top of page

Mister sinita sa face mask, buking sa shabu

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2020
  • 1 min read

ni Maeng Santos | July 21, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Nabisto ang dalang ilegal na droga ng isang mister na mahigit P.3 milyon ang halaga makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.


Kinilala ni Caloocan Police Chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Roger Werble, 45, (user), driver at residente ng Maharlika Village, Taguig City.


Ayon kay Col. Menor, alas-10:05 ng gabi, habang nagsasagawa ng mobile patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police SS2 sa P. Jacinto St. Corner Orbano St., Bgy. 87, Caloocan City nang mapansin nila ang suspek na walang suot na face mask.


Nilapitan nina Pat. Rommel Diaz at Pat Allan Delbert Cunanan ang suspek para alamin ang kanyang pagkakilanlan.


Nang buksan ng suspek ang kanyang bag ay tumambad ang tatlong sachets ng hinihinalang shabu.


Agad inaresto ang suspek at narekober sa kanya ang aabot sa 51 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P346,000 ang halaga at P10,000 cash.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page