Mister na suwerte sa number games, lalong mapalad kung isusuot ang lucky color
- BULGAR

- Oct 17, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 17, 2020
Dear Maestro,
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang humingi ng mapalad na numero. Matagal na kasi akong nakikipagsapalaran sa lotto, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tumatama ng jackpot, sa halip, puro tatlo at apat na numero lang ang tinatamaan ko.
December 13, 1969 ang birthday ko, sana matulungan n’yo ako upang makabayad na kami sa mga pagkakautang at makapagpatayo ng sariling negosyo.
Umaasa,
Benito ng San Roque, Bongabon, Nueva Ecija
Dear Benito,
Ayon sa birth date mong 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4), ikaw ay likas na masuwerte sa halos lahat ng uri ng pakikipagsapalaran, lalo na sa number games at ito ay mangyayari kung ikaw ay laging magsusuot ng kulay na pula o dilaw.
Samantala, mapalad ka naman sa lahat ng numero na may sumatotal na 1 at 7, tulad ng 1, 10, 19, 28, 37, 16, 25, 34, 43, at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang 1, 17, 28, 34, 44, at 41, ganundin ang 7, 16, 19, 22, 28 at 41. Maaari ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa Cabalistic of Knowledge: 182/ 562/ 341/ 950.
Bukod sa nasabing mga numero, kusa namang iigting ang mabuting kapalaran tuwing sasapit ang Marso hanggang Abril at Hulyo hanggang Agosto. Masuwerte ka rin, isang buwan bago dumating ang iyong kaarawan at isang buwan matapos ng birthday mo.
Upang matiyak ang malaking halaga ng panalo, maghanap ka ng lotto outlet na may mahabang pila at siguraduhin mo na sa iyong pagdating o pagpila, ikaw ang ikapito, ika-10 o ika-13. Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap at sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, maaaring ngayong 2020 hanggang 2021, sa edad mong 51 hanggang 52 pataas, dambuhalang halaga ng salapi ang iyong mapapanalunan.




Comments