top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mister mo, Sarah, barado sa netizen…MATTEO, KUNG KELAN SARADO NA ANG DOS, SAKA NAGPAKITA NG SUPORTA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2020
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | July 12, 2020




Binara si Matteo Guidicelli ng isang netizen na nag-comment ng “Late ka na” patungkol sa nai-post na suporta ng mister ni Sarah Geronimo para sa ABS-CBN.


Late na raw ang pagpapakita ng suporta ni Matteo dahil nagsara na ang Kapamilya Network. Dapat daw, noong kasagsagan ng hearing ng ABS-CBN sa Kamara ay nakita na ang pagsuporta ni Matteo.


Sabi pa ng supporter ng ABS-CBN, pati nga raw si Sarah, hindi kinakitaan ng pagdamay sa Kapamilya Network noong nakikipaglaban ang management nito sa Congress hearing.


Sagot naman ng mga defenders ni Matteo, hindi lang sa pagpo-post sa social media makikita ang pagdamay at baka naman sa personal ay ipinarating nina Matteo at Sarah sa management ng ABS-CBN ang kanilang suporta.


Anyway, hindi kaya madagdagan ang tampo ng mga supporters ng ABS-CBN ‘pag nalamang isa si Matteo sa mga members ng Philippine Army Multi-Sector Advisory Board (MSAB)?


Nakita kasi si Matteo sa online oath-taking ni Robin Padilla na member din ng MSAB at may rason naman siguro kung bakit kasama siya sa Zoom meeting na ‘yun na nagsilbi na ring oath-taking ni Robin at ng iba pang members ng MSAB.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page