Mister, kulong sa pang-aabuso sa bata

ni Maeng Santos @News | November 5, 2026

Photo: File
Isinelda ang 51-anyos na mister nang damputin ng pulisya kaugnay sa kasong pang-aabuso sa isang menor-de-edad sa Caloocan City.
Ikinasa ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang pagtugis sa 51-anyos na mister na nakatala bilang No. 6 Top Most Wanted Person sa Northern Police District.
Ala-1:30 ng hapon nang tuluyang masukol ng mga operatiba ng Caloocan Police Warrant and Subpoena Section ang akusado sa Santiago St., Brgy. 166, Kaybiga.
Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court, Branch 1, Caloocan City, noong August 10, 2022, para sa kasong Lascivious Conduct under Section 5(B) of R.A 7610 na may inilaang piyansa na P200,000.





Comments