Miss U Philippines 2020 crown, ipinasilip na
- BULGAR

- Oct 20, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | October 20, 2020

Ipinasilip na ng Miss Universe Philippines sa kanilang social media accounts ngayong Martes ang koronang maiuuwi ng mananalong kandidata.
Sa post, ibinahagi na ito ay gawa ng Villarica Family na siya ring may-ari ng Villarica Pawnshop. Galing ang pamilya sa Meycauayan, Bulacan na sentro ng mga pagawaan ng world-class jewelry.
Makikita sa korona ang kulay ng watawat ng Pilipinas gamit ang asul, pula at dilaw na bato. Sinamahan din ito ng mga perlas na kilala rin bilang pambansang hiyas.
Ayon sa pamilya, “We are very grateful to them for stepping up to the challenge of creating this masterpiece. More than their expertise on gems and jewelry, they provided us with valuable insights on the significance of precious stones and what each one represents.
These gems are emblems of dreams, ambition, happiness, pride, self-worth, and empowerment.”
Ibinahagi naman ng Miss Universe Philippines na malaki ang naging kontribusyon ng paggawa ng korona sa women empowerment gaya ng Villarica pawnshop na patuloy na tumatakbo sa pamamahala ng all-female staff.




Comments