top of page
Search
  • BULGAR

Misis na bitin, todo duda sa mister na pagod at stress

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 13, 2023



Dear Maestro,


Ang mister ko ay 46-years-old na. Ang problema kapag nagtatalik kami ay hindi na siya na kakatapos. Kaya nagdududa tuloy ako na baka mayroon na siyang ibang babae. Maestro, may babae kaya ang asawa ko? At kung mayroon paano ko kaya siya mahuhuli?


September 28, 1983 ang birthday ko habang February 4, 1977 naman ang mister ko.

Umaasa,

Mercy, Marikina City

Dear Mercy,


Mali ang iniisip mo kapag kayo ay nagtatalik. Hindi sa lahat ng pagkakataon dapat isipin ang gano’n! Sa halip, dapat may ebidensya kang panghahawakan, upang makumpirma mo kung talaga bang may babae ang iyong mister.


Ang tanong ko sa iyo, Mercy, nambabae na ba siya rati? Ang pambabae kasi ay “habitual”, sa madaling salita, ito ay nakakawili. Kaya kung wala naman siyang history ng pambabae at wala rin sa lahi nila ang babaero, malabong gawin ito ng iyong mister.


Pangawala, ano ba ang trabaho ng iyong mister? Baka kasi pagod lang siya sa maghapong pagtatrabaho kaya kapag nagtatalik kayo sa gabi ay kinakapos na siya ng kanyang resistensiya.


Oo, ang sobrang pagod at stress ay isa sa mga nagiging dahilan.


Sa madaling salita, siguraduhin mo muna ang mga dahilan kung bakit feeling mo wala ng gana sa iyo ang mister mo, bago ka mag-isip ng kung anu-ano.


Maaari mo ring isaalang-alang kung malakas ba siyang kumain at nagte-take ba siya ng multivitamins o food supplements upang matiyak na may malusog at malakas na resistensya ang kanyang pangangatawan.


Samantala, ayon sa birthdate mong 28 o 1 (ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1) at 4 naman ang iyong mister, ito ay nagsasabing compatible kayo para sa isa’t isa, dahil ang Sun at Uranus ang planetang umiiral sa inyong dalawa at ito rin ay suwetong magsama.


Dagdag pa, kambal din ang numerong 1-4, ibig sabihin, nakatakdang kayong magsama habambuhay.


Ganundin, sa zodiac sign mong Libra at Aquarius naman ang iyong asawa, mambabae man o hindi ang iyong mister imposible kayong magkahiwalay, dahil ang Libra at Aquarius ay may iisang elementong tinataglay, ito ay ang elementong air o hangin.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page