Misis, kaya ‘di na tinatanong tungkol sa ex… ZOREN, IBINUKING NA ‘DI MASAYA ANG NAKARAAN NI CARMINA KAY RUSTOM
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | August 15, 2026

Photo: FTWBA
Inamin ni Zoren Legaspi na hindi pa siya handang maging father-in-law sakaling dumating ang panahon na magkaroon ng asawa ang kanyang mga anak.
Sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), diretsahang tinanong ng King of Talk na si Boy Abunda si Zoren, “Yes or no, ready nang maging father-in-law?”
Walang pag-aalinlangan ang naging sagot ng aktor, “Nope. No. No.”
Sa panayam, napag-usapan din ang magkakapatid na Legaspi — sina Zoren, Kier, Brando at Jippy na pawang mga anak ng yumaong aktor na si Lito Legaspi (SLN).
“Naalala ko, tatlo kayong magkakapatid — si Kier, ikaw, at si Brando. Sino ‘yung lapitin ng mga bakla?” tanong ni Boy.
Natatawang sagot ni Zoren, “Actually, parang kaming tatlo. Natatandaan ko nu’n, may business kasi ang erpat (tatay) ko sa Sta. Mesa. May game room du’n. Alam mo ‘yung Pac-Man, uso pa noon ang mga game room. So, tatawid kami ru’n.”
Ikinuwento ni Zoren na bago sila tumawid patungo sa game room ay may parlor silang dinaraanan.
“Bago kami tumawid du’n, may parlor kaming tatawiran, eh. Ano na, alam mo na? Nagsumbong kami sa erpat namin,” kuwento niya.
Ayon kay Zoren, hindi naman umano seryoso ang mga pangyayari at madalas lamang silang inaasar dahil puro lalaki ang magkakapatid at para silang magkakaibigan.
“Oo, ganu’n. Kinakatuwaan lang kami kasi puro lalaki. Para kaming magbabarkada,” dagdag niya.
Dito naman nagbiro si Boy, “At ang guguwapo ninyo.”
Sinang-ayunan naman ito ni Zoren at ikinuwento kung paano sila naging malapit na magkakapatid.
“Kaya kami lumaki ngayon na ‘di kami mabarkada kasi kaming apat mismo, magbabarkada na sa parties. Nag-start kami nang maaga, 16 years old, nagpa-party na kami sa Chicago nu’n,” saad ni Zoren.
Ibinahagi rin ni Zoren sa nasabing panayam na hindi niya binigyan ng dahilan ang asawang aktres na si Carmina Villarroel na makaramdam ng selos.
Tanong ni Boy, “Binigyan mo na ba si Mina ng dahilan para magselos?”
Saad ni Zoren, “As far as I know, wala pa, wala.”
Dagdag na tanong ni Boy, “Ikaw ba, kinakausap mo si Mina tungkol kay BB Gandanghari (dating Rustom Padilla)?”
Sagot ni Zoren, “Ah, very seldom. Not unless, you know, lumabas or i-pop-up ‘yung mga whatever. But at the end of the day, I never, you know, Tito Boy, honestly, ‘di ko alam ‘yung history nila. I never ask.”
Hirit ni Boy, “Pero sadya ‘yun?”
Sagot ni Zoren, “Because if you’re not happy with your past, bakit ko ipapakuwento sa ‘yo ‘yung malungkot mong nakaraan?”
Well, may katwiran ang katwiran ng guwapong aktor na si Zoren.
‘Di ba naman, madlang people?





Comments