top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Misa sa gate ng chapel, pahiwatig ng good news at makakakuha ng mana

BULGAR
Jun 5, 2022
2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 5, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lea ng Caloocan.


Dear Maestra,


Ako ay isang lector at commentator sa parokya namin. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na nag-misa sa chapel ‘yung paring naka-assign sa parokya namin, pero sa halip na sa loob ng chapel ay sa harap ng gate siya nag-misa, sa tabi ng kalsada, tapos ako ang commentator.


Pagdating sa parteng itataas na ang hostia, kumanta ako ng Osana. Walang choir, kaya ako rin ang kumanta, ngunit bigla akong tumigil pagdating sa kalagitnaan. Tumingin sa akin ang pari na para bang sinasabi na ituloy ko ang pagkanta. Itinuloy ko naman ito at nilakasan ko pa ang aking boses.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lea


Sa iyo, Lea,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nag-misa ang paring naka-assign sa parokya n’yo. Ito ay nangangahulugan na may mamanahin kang pera mula sa yumao mong kamag-anak. Gayundin, ito ay nagpapahiwatig na may matatanggap kang magandang balita mula sa kasamahan mo sa inyong parokya.


Samantala, ang kumakanta ka ng Osana sa parteng itinataas ng pari ang hostia ay nangangahulugan naman ng kaligayahan, kasaganaan at tagumpay sa iyong mga hangarin sa buhay.


Ang sabi mo ay tumigil ka sa pagkanta, pero muli mong itinuloy at lalo mo pang nilakasan ang iyong boses. Ang ibig sabihin nito ay magiging mapalad ka sa pag-ibig.


Mararamdaman mo na mahal na mahal ka ng karelasyon mo at maging ng pamilya mo.


Madarama mo rin ang pagmamahal at pakikiisa nila sa lahat ng iyong binabalak. Magiging payapa, panatag, masaya at punumpuno ng pagpapala ang iyong buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page