Search
  • BULGAR

Milyun-milyong Pinoy, nagutom sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 26, 2020


Tinatayang isa sa limang pamilyang Pilipino ang nakaranas ng “involuntary hunger” nitong nakaraang tatlong buwan habang mayroong COVID-19 pandemic.


Ito ay katumbas ng 5.2 milyong Pilipino, ayon sa latest survey ng Social Weather Stations na ginawa nitong Hunyo sa pamamagitan ng mobile at computer-assisted telephone interviews.


Mas mataas ito ng 4.2 percentage points kumpara sa naitala noong Mayo, na katumbas ng 4.2 milyong pamilya.


☻☻☻


Hindi lamang nakakalungkot ang ganitong resulta ng survey, kundi nakakabahala rin. Posibleng mayroong mga pamilya ang hindi nakakatanggap ng ayuda ng pamahalaan.


Bagama’t unti-unti nang binubuksan ang ekonomiya ng bansa upang muling mapasigla, posibleng kulang pa ang ginagawa ng pamahalaan upang malutas ang involuntary hunger ng ating mga kababayan.


Sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso, katuwang ninyo ako upang humanap ng solusyon, hindi lamang para mapanumbalik ang sigla ng komersiyo, kundi para na rin mapigilan pa ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.


☻☻☻


Isa sa mga nakikita nating panandaliang solusyon sa kagutuman ay ang pagkakaroon ng backyard o urban garden, na maaaring simulan sa iilang pasong pagtataniman ng gulay. Kung mayroong bakanteng lote sa paligid ay mas mainam ito dahil sa variety ng puwedeng maitanim.


Marami nang naging viral na video ng ating mga kababayan tungkol sa backyard o urban gardening, kung kaya’t hindi tayo mawawalan ng resources o guides kung gusto nating magsimula ng ganitong proyekto.


Namamahagi rin ang Department of Agriculture at iba’t ibang pribadong organisasyon ng mga binhi o seeds ng mga gulay na maaaring itanim.


Kailangan din ng sweat equity o pagtitiyaga at dedikasyon mula sa pagtatanim, sa pag-aalaga ng mga halaman hanggang sa magbunga ang mga ito.


☻☻☻


Binabati natin ang mga magsisipagtapos ngayon sa ika-109 na general commencement exercise ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Bagama’t mayroong pandemya ay hindi kayo nagpatinag na maabot ang pangarap ninyong magkamit ng diploma.


Makasaysayan ang graduation rites na ito dahil gagawing virtual ito, dahil na rin sa pandemya.


Binabati rin natin ang mga magulang ng mga magsisipagtapos, lalo na sa 28 na summa cum laude, na lubos na natutuwa sa karangalang kakamtin ng kanilang mga anak.


Nawa’y ipagpatuloy ninyo ang paglilingkod sa ating bayan na may kagalingan at pakikipagkapwa. Mabuhay at padayon iskolar ng bayan!


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.