top of page

Middle class, hirap din sa krisis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | April 18, 2026



Editoryal, Editorial


Sa bawat pamimigay ng ayuda, laging nakatuon ang pansin sa mahihirap. Tama naman ito, pero tila laging naiiwan ang middle class. 


Sila ang nagbabayad ng buwis at nagtatrabaho araw-araw, pero kadalasan hindi sila kwalipikado sa tulong ng gobyerno.


Ang totoo, hirap na rin ang middle class. Tumataas ang presyo ng bilihin, renta, at matrikula, pero hindi naman tumataas ang sahod. 


Kapag nawalan ng trabaho o nagkasakit, mabilis ding nauubos ang kanilang ipon—kung meron man.


Hindi sapat na sabihing “kaya nila.” Kailangan din nila ng tulong, lalo na sa panahon ng krisis. Maaaring sa anyo ng tax relief, diskwento sa serbisyo, o direktang ayuda kung kinakailangan.


Hindi dapat pinipili lang kung sino ang tutulungan. 

Kung gusto ng gobyerno ng matatag na ekonomiya, dapat kasama ang middle class sa mga programang suporta.


Panahon na upang kilalanin na ang middle class ay hindi lamang tagapagtaguyod ng buwis, kundi mga mamamayang nangangailangan din ng suporta. 


Sa isang lipunang patas at makatao, walang sektor ang dapat maiwan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page