Mga vendors, uunahin sa COVID-19 mass testing
- BULGAR

- Sep 15, 2020
- 1 min read
ni Mylene Alfonso | September 15, 2020

Prayoridad ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang mga vendors sa 17 public market sa lungsod sa mass testing sa pagbubukas ng panibago at ikalawang RT-PCR molecular lab sa Sta. Ana Hospital sa susunod na linggo.
Nabatid na binigyan ng direktiba ni Moreno sina Manila Health Department director Dr. Poks Pangan, Sta. Ana Hospital director Dr. Grace Padilla at Market Administrator Zenaida Mapoy na unahin ang mga vendors para matiyak na ligtas ang ating mga mamimili sa ating mga public market sa sakit na COVID-19.
Nalaman na pagkatapos ng mga vendor ay mga tsuper naman ang isusunod gaya ng pedicab, tricycle at pampasaherong jeep.
Ayon kay Moreno, ito ay bahagi pa rin ng tuluy-tuloy at agresibong hakbang ng pamahalaang lungsod sa pakikipagharap sa coronavirus pandemic.





Comments