Mga tutol sa pagmamahalan ng isang single mom at binata, walang magagawa dahil compatible
- BULGAR

- Jan 28, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 28, 2021
Dear Maestro,
May girlfriend akong single mom na may dalawang anak sa una niyang asawang na Hapon, pero divorced na sila ngayon. Gusto kong malaman kung mapapangasawa ko ba siya kahit tutol ang mga magulang ko sa kanya? Gayundin, compatible ba kami at kami na ang magkakatuluyan at magsasama habambuhay? Sa totoo lang, mahal na mahal ko siya. August 5, 1990 ang birthday ko at December 17, 1988 naman ang girlfriend ko.
Umaasa,
John Carlo ng Amuyong, Mabitac, Laguna
Dear John Carlo,
Ang zodiac sign mong Leo at Sagittarius naman ang girlfriend mo ay nagsasabing compatible ang inyong zodiac signs. Ito ay dahil ang Leo at Sagittarius ay kapwa nagtataglay ng elementong fire o apoy kung saan tulad ng nasabi na, dahil kapwa kayo pinaghaharian ng nasabing elemento, sa aspetong Astrology, tunay na compatible kayong dalawa.
Dagdag pa rito, bukod sa compatible kayo ng girlfriend mo sa Astrology o zodiac sign, na nagkataong sa aspeto namang Numerology, ang birth date mong 5 ay tugma rin sa birth date na 17 o 8 (1+7=8) ng girlfriend mo, kung saan maraming isinilang sa mga petsang 5, 14 at 23 ay napapangasawa silang isinilang sa petsang 8, 17 at 26.
Ibig sabihin, magkaroon man ng maraming hadlang ang relasyon n’yo at sabihin na nating kahit tutol pa sa pagmamahalan n’yo ang inyong mga magulang, sa bandang huli ay walang magagawa ang mga kontrabida sa inyong pag-iibigan dahil kayo pa rin ang nakatakdang magkatuluyan.
Ayon sa iyong Love Calendar, magaganap sa susunod na taong 2022, sa edad mong 32 pataas at magte-34 naman ang girlfriend mo, dahil compatible kayo at ito ay sadyang magiging maunlad, masagana at maaari ring magkamal ng maraming-maraming salapi hanggang sa yumaman habambuhay.




Comments