top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga tiwaling opisyal ng Philhealth, gustong ipakulong ni Sen. Manny Pacquiao

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2020
  • 2 min read

ni Twincle Esquierdo | August 21, 2020




Ayon kay Sen. Manny Pacquiao, dapat itapon sa kulungan ang mga tiwaling opisyal ng Philhealth.


Sa isang pahayag sinabi ng senator na hindi ginawa ng Philhealth ang layunin nitong pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan lalo na ang mahihirap.


“The best thing is to jail its corrupt officials instead of privatizing PhilHealth,” aniya


Ayon pa kay Sen. Manny ang pagsasapribado ng Philhealth ay talagang makakagawa ng hindi maganda. Ang pag-privatize ay hindi magagarantiyahan na gawing maayos at muling pagkatiwalaan ang PhilHealth na isinasaalang-alang ang dismal record on privatized government assets.


Dagdag pa niya ang kailangan umano ng Philhealth ay “systemic corruption" sa ahensiya sa pamamagitan ng revamping management.


“We just need to overhaul PhilHealth and fill it with people who are honest, dedicated, and competent. Privatizing PhilHealth is not the answer. It could even do more damage to our social health care system,” ani senator


Dagdag pa nito ang proposal ay isa lamang panangga sa mga kurap na opisyal. Kapag nai-privatize ang PhilHealth, maaari lamang makasuhan ng estafa o civil damages.


Bukod dito, sinabi niya na ang pag-privatize ng PhilHealth ay gagawing profit-driven organization tulad ng ibang private health insurers.


Ayon pa kay Sen. Manny malaking epekto ito sa mga miyembro ng Philhealth at ilan lamang ang nakakabayad ng premium dahil hindi kayang magbayad ng maraming Pilipino. Mananagot din umano ang Philhealth sa Universal Health Care Law dahil nangako itong pangangalagaan ang kalusugan ng bawat Pilipino.


Saad ni Sen. Manny, “Itong PhilHealth ay pinapatakbo ng pamahalaan dahil wala itong ibang layunin kundi ang mabigyan ng mura at sapat na kalingang pang-kalusugan ang ating mga mamamayan, kasama na ang ating mga mahihirap na kababayan. Itong ay isang serbisyo-publiko at hindi isang negosyo,”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page