Search
  • BULGAR

Mga titser, ‘di pa ready — VP Leni… Balik-eskuwela sa Agosto, stop

ni BRT | June 23, 2020



Nanawagan din si Vice President Leni Robredo na huwag ituloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto.

Aniya, ito ay para mabigyan ng sapat na panahon ang mga guro na maghanda sa mga alternatibong paraan ng pagtuturo. Sa halip, iminungkahi ng Bise na gawin ang balik-eskuwela sa mga susunod pang buwan.

“Actually iyong mga teachers na kausap natin, iyon din iyong sabi, ‘Bakit ipipilit na August 24 kung hindi pa handa?’ Pero ini-insist kasi ng DepEd na handa na sila. Iyong nakausap namin na teachers, mas gusto na nila na mas late iyong pagbukas para mas handa,” ani Robredo.

“Ako, kung hindi pa handa iyong mga teacher, makakatulong naman na — wala namang difference masyado kung gawin mong September o October o November, basta handa lahat,” dagdag pa nito.

Gayunman, iginiit ng Malacañang na nakasaad sa batas na ang pagbubukas ng klase sa bansa ay hindi dapat lalagpas sa buwan ng Agosto kada taon.

“As far as the actual date of classes, may batas po ‘yan [Republic Act 7797]. We have to comply with the law which is the last week of August. Unless Congress will pass a law providing that we could open on a later date,” ani Presidential Spokesman Harry Roque.



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.