top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Mga smugglers, sampulan!

  • BULGAR
  • Jul 14, 2022
  • 1 min read

@Editorial | July 14, 2022



Tinuldukan na ng Bureau of Customs (BOC) ang pagwasak sa mga nakukumpiskang smuggled vehicles.


Sa halip na durugin ay ibebenta na lamang umano ito para madagdagan ang pondo ng gobyerno.


Batay sa impormasyon, may 20 luxury vehicles na ipapasubasta at maaaring kumita ang kawanihan ng P100 milyon.


Matatandaang ang pagwasak ng mga smuggled vehicles ay ipinag-utos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang bigyang-babala ang mga smugglers. Gayunman, tila wa’ epek ang diskarteng ito dahil patuloy pa rin ang pagpuslit ng mga mamahaling sasakyan.


Ngayong iniba na ang sistema, sana ay matigil na ang ilegal na gawain, sana kamot-ulo na ang mga smugglers.


At sa gagawing subasta, dapat magsagawa ng masusing background at character check sa mga sasali para masiguro na hindi makakasama ang mga smugglers. Ito ang problema, baka naman bumalik lang sa kanila at mas kumita pa ang mga pasaway.


Malaking hamon sa bagong administrasyon ang problema sa smuggling. Hindi lang sasakyan ang ipinupuslit ng mga sugapa sa pera kundi ang mismong ang kabuhayan ng bansa.


Isa pa sa dapat tutukan ay ang nakatalaga sa gobyerno na nangangasiwa sa pagpasok at paglabas ng mga produkto o anumang bagay. ‘Ika nga nila, hindi makakalusot ang mga ‘yan kung walang nagpapalusot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page