top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga sindikatong nasa likod ng text scam, hubaran ng maskara!

BULGAR
Sep 12, 2022
1 min read

@Editorial | September 12, 2022


Marami na ang nakatanggap ng mga text messages na panloloko.


Kaugnay nito, inamin ng Department of Information Communication and Technology (DICT) na ang talamak na text spam ay mula sa mga international syndicates.


Humiling naman ng executive session ang ahensya sa Kamara upang i-report ang initial findings ng kanilang imbestigasyon sa nagkalat na text scam sa bansa.


Sa isinasagawang budget hearing ng Committee on Appropriations, natalakay ang massive text scam na natatanggap ng publiko. Tinukoy ng DICT na ang mga nasa likod ng panloloko ay mga kriminal na sindikato.


Masasabing matindi ang modus na ito at kailangan ang mas matinding strategy para mapigilan ang ilegal na gawain at mahuli ang mga salarin.


Sinasabing hindi lang mga Pinoy ang sangkot kundi maging ang mga international syndicates.


Malawak ang ginagawang panloloko, hindi lang abala kundi may mga nabibiktima talaga nang malala.


Kailangang mas palakasin ang binuong task force para labanan ang text scams gayundin ang mga illegal websites.


Pinakikiusapan din ang publiko na magsumbong sa kinauukulan kapag nakatatanggap ng mga text scam.


Matuto na sana tayo at huwag magpabiktima sa mga sindikato.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page