top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga Sen. takot na resbakan ni Quiboloy na anak daw ng diyos

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 13, 2023


SANA WALANG PALAKASAN SA PAGBIBIGAY NG P20K SA QUALIFIED GOVT. WORKER KASI BAKA MANGYARI KAHIT HINDI QUALIFIED MAGKA-P20K -- Nagpalabas ng administrative order si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na ngayong Kapaskuhan ay bibigyan ng P20K ang mga qualified gov’t. workers.

 

Sana walang umiral na palakasan d’yan, na ang ibig nating sabihin, baka kahit hindi qualified pero nakadikit sa head ng gov’t. agency ay ‘yun ang mabigyan ng P20K, at ‘yung qualified bokya, kasi hindi dikit sa boss, period!

 

◘◘◘

 

ISINUSULONG NI SEN. RISA NA IMBESTIGASYON KAY PASTOR QUIBOLOY DINEDMA NG MGA KAPWA SENADOR -- Nagsulong si Sen. Risa Hontiveros ng resolusyon na imbestigahan si Pastor Apollo Quiboloy kaugnay sa mga kasong kinasasangkutan nito sa Amerika tulad ng human trafficking, rape at child abuse, kaya lang ang kapuna-puna rito, kahit isang kapwa niya senador ay “no comment” sa resolusyong ito ng senadora.

 

Siguro, kaya dedma lang ang mga senador sa resolusyong ito ni Sen. Risa ay takot silang resbakan sila ni Quiboloy na nagpapakilalang “anak daw siya ng Diyos”. boom!

 

◘◘◘

 

MAJORITY PINOY DISMAYADO NA KAY P-BBM -- Sa latest survey na inilabas ng OCTA Research Group, majority ng mga Pilipino ay dismayado sa performance ng gobyerno laban sa inflation rate sa bansa.

 

Last presidential election ay majority Pinoy ang bumoto kay P-BBM kaya siya naging presidente at sa survey na ito ng OCTA ay majority rin ng Pinoy ang dismayado sa tugon ng Marcos admin laban sa inflation rate.

 

Ibig sabihin n’yan, ‘yung majority Pinoy na nagpanalo kay P-BBM ay dismayado sa performance ng Marcos admin patungkol sa mataas na inflation rate sa ‘Pinas, period!

 

◘◘◘

 

HINDI MASISISI ANG MGA TRANSPORT GROUP NA MAGDAOS NG TIGIL-PASADA -- Magdadaos na naman ng tigil-pasada sa Dec. 14-15 ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) bilang protesta sa nagbabadyang traditional jeepney at UV express phaseout sa Dec. 31, 2023.

 

Hindi masisisi ang mga transport group na magsagawa lagi ng tigil-pasada kasi nga, ang pakiramdam nila, hangga’t hindi ibinabasura ng Marcos admin ang jeepney modernization program, na tablado na sa ngayon dahil sinabi ni P-BBM na wala nang extension ang deadline sa consolidation, ay pagsapit ng January 1, 2024, o pagpasok ng Bagong Taon, tuloy ang jeepney at UV express phaseout, at jobless na silang lahat, tsk!

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page