Mga sangkot sa human smuggling, tuluyan!
- BULGAR
- Mar 22, 2023
- 1 min read
@Editorial | March 22, 2023
Tinapos na Senate Blue Ribbon Committee ang mga talakayan at imbestigasyon sa umano’y human smuggling sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Noong nakaraang buwan, ibinulgar ang hinihinalang human smuggling gamit ang isang pribadong eroplano, matapos na payagang makaalis sa bansa sakay ang ilang indibidwal na hindi tinukoy sa manipesto ng eroplano.
Sa pagtatapos ng imbestigasyon, hinimok ang Bureau of Immigration (BI) na maging “steadfast and consistent” sa mga procedures.
Kailangang magkaroon ng pantay na pagtingin sa mga pasahero. Lahat ay dapat na sumunod sa batas.
Dapat na linawin ng Philippine National Police Aviation Security Group kung sino ba ang may huling pagpapahintulot – ang police exit clearance o ang CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines) clearance – bago umalis ang isang pribadong eroplano.
Kahit tapos na ang imbestigasyon, dapat na may mapanagot na mga tauhan ng airport at Immigration na may kinalaman sa insidente.
Kung walang mapapanagot, lalong lalakas ang loob ng iba na gumawa ng mga paglabag sa protocols at maaari pang tularan.



Comments