top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga reklamo sa eleksyon, idaan sa tamang proseso

BULGAR
May 14, 2022
1 min read

@Editorial | May 14, 2022


Kasabay ng bilangan, patuloy din ang protesta ng mga hindi sang-ayon sa inaasahang resulta ng eleksyon.


Mula sa social media hanggang sa kalsada, isinisigaw ang kapalpakan diumano ng Commission on Elections (Comelec) sa nagdaang botohan. Inirereklamo ang mga palpak na vote counting machines (VCMs) gayundin ang umano’y napakabilis na pag-uulat ng resulta ng bilangan.


Kaugnay nito, hinikayat ng Comelec ang publiko na maayos na ihain sa kanila ang mga reklamong may kaugnayan sa eleksyon.


Batid natin na mayroong kaukulang proseso ang komisyon hinggil sa rules of procedure at suppletorily na applicable naman sa rules of court.


Kung may sitwasyon na kinakailangang ideklara ang failure of election sa isang lugar, walang dahilan para hindi ito intindihin ng komisyon basta may mailalatag na ebidensiya.


Samantala, pinakikiusapan din ng kinauukulan ang mga ralista na sundin ang tamang proseso sa pagrereklamo sa halip na magprotesta sa lansangan na maaaring mag-ugat ng kaguluhan at ‘di pagkakaunawaan.


Nauunawaan natin na ang kalayaan sa pamamahayag ay tulad nang pagboto, ito ay karapatan, at ang tunggalian ay patunay na buhay ang demokrasya. Ingatan lang natin na ito’y pagmulan ng mas malalang kaganapan.


Masasabing pambihira ang eleksyon ngayon, sobrang ingay, puno ng emosyon at kung may mga nabuong pagsasamahan, meron ding mga nawasak. Nakakalungkot, nakakadismaya pero ito ang katotohanan, pagdating sa pulitika, nahahati ang bayan.


Sana, kung gaano kabilis ang bilangan, ganundin ang paghilom.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page