top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga puslit na produkto, pumapatay sa ekonomiya ng bansa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2021
  • 1 min read

@Editorial | November 23, 2021


Non-stop ang pagpasok ng mga smuggled goods sa bansa.


Ito’y kahit pa may mga ipinatutupad na restrictions kaugnay ng COVID-19 pandemic.


Batay sa ulat ng Bureau of Customs, mula noong Enero hanggang Oktubre 2021 ay papalo na sa P23 bilyon ang halaga ng mga puslit na produkto na nasabat mula sa 743 seizures.


Noong nakaraang taon naman ay aabot sa P10.629 bilyon ang halaga ng smuggled goods na nasabat sa 997 operations


Bago naman nagkaroon ng pandemic, noong 2019 ay tinatayang P20.584-B halaga ng smuggled goods ang naharang sa 613 seizures.


Kaugnay nito, mula 2019 hanggang Oktubre 2021, kabuuang 188 criminal cases ang naihain sa Department of Justice.


Habang 1,360 importers at 394 customs brokers ang binawian ng accreditation.


Malinaw na hindi natitinag ang mga smugglers sa batas na meron ang bansa o sa mismong nagpapatupad nito?


Ito ang isa sa mga dagdag-problema sa gitna ng pandemya. Sa kabila ng mga pagsisikap na maibangon ang ating ekonomiya, siya namang pamamayagpag ng mga ilegal na gawain.


Habang bumabaha ng puslit at pekeng produkto, nabubulok naman ang sariling atin.


Kaya malaking hamon sa gobyerno na tuluyang mapigilan ang smuggling. Kung may mga bantay na hindi kayang gawin ang tungkulin, pagsisibakin na.


Batid nating may mga bulok d’yan na dapat maalis sa sistema.


Tayo namang publiko, ‘wag tumangkilik sa mga produktong mura nga, peke naman at higit sa lahat, ilegal!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page