Search
  • BULGAR

Mga pulis na sangkot sa droga, nagkalat!!!

@Editorial | January 17, 2021



Marami ang nadismaya sa hanay ng kapulisan habang panlulumo at galit naman ang naramdaman ng publiko matapos maaresto ang apat na pulis sa nabuking na shabu laboratory sa Lungsod ng Olongapo.


Nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang 300 gramo ng hinihinalang shabu, ilang laboratory equipment at kemikal na ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga, mga baril, cellphones at sasakyan.


Ganito katindi ang kalakaran ng ilegal na droga sa bansa. Walang pinililing sitwasyon, kahit pa pandemya at may ipinatutupad na community quarantine.


Walang pinipiling sangkot, mismong mga alagad ng batas ang gumagawa ng kababalaghan.


Nakapanlulumo na habang naghihirap ang gobyerno at ang taumbayan sa paglaban sa COVID-19, eh, may mga todo-raket naman sa ilegal na gawain.


Kung ang mga tagapagpatupad ng batas ang mismong lumalabag dito, ano’ng aasahan ng bayan?


Maraming pulis ang nagsisikap na mapanatili ang karangalan ng Philippine National Police (PNP), mahiya naman kayo!


Paano uunlad at magiging mapayapa ang bansa kung mismong mga nasa sistema ang gumagawa ng kawalanghiyaan?


Panahon na para magkaroon ng mas matinding hatol para sa mga pulis at iba pang taga-gobyerno na promotor pa sa paggawa ng ilegal.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.