Mga pulis bawal sa sabong — PNP Chief
- BULGAR

- Feb 22, 2022
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | February 22, 2022

Pinaalalahanan ni PNP Chief Dionardo Carlos ang mga police personnel na huwag i-involve ang kanilang sarili sa sabong, maging sa online sabong.
“This doesn’t give a good impression on their conduct as law enforcers,” ani Carlos sa isang pahayag.
“The bottom line is, we discourage our personnel from engaging in gambling activities as this does not augur well with their professional and personal values,” dagdag niya.
Siniguro naman ni Carlos na sakaling may police personnel na masangkot dito ay hindi sila magdadalawang-isip na ipadampot ito.
“They are not above the law. Once caught, the PNP won’t hesitate arresting those who are involved in this illicit activity,” ani Carlos.
Pinalawig na rin umano ang kanilang kampanya laban sa illegal gambling dahil sa pagtaas ng bilang ng off-cockpit betting stations.
Hinikayat din ng PNP chief ang publiko na o-report ang mga illegal cockfighting operations sa https://e-sumbong.pnp.gov.ph.
“The PNP will investigate, validate and take appropriate action regarding the complaint,” pahayag pa ni Carlos.
Para naman sa mga police personnel, ang Internal Affairs Service (IAS) ng PNP ang magsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa posibleng administrative liabilities, dagdag pa ng PNP chief.








Naku, dapat talaga mahigpit ang PNP sa mga pulis na sangkot sa sabong. Dapat tutukan nila ang pagiging law enforcers! Parang yung Magic Tiles 3 , kailangan tama ang timing para hindi matalo. Sana ganun din sa pagtupad ng duty!