top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga problema sa distance learning, mas dapat pang tutukan

BULGAR
Jun 30, 2021
1 min read

@Editorial | June 30, 2021


Kamakailan nang ianunsiyo na hindi pa rin uubra ang face-to-face classes.


Kaugnay nito, humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang.

Paliwanag ng Pangulo, patuloy pa ang banta sa COVID-19 at ayaw niyang malagay sa peligro ang kaligtasan ng mga bata. Aminado rin ang Punong Ehekutibo na delayed ang edukasyon.


Samantala, habang hindi pa puwede ang face-to-face classes, dapat mas pagtuunan ang distance learning, partikular ang pagsolb sa mga problema na may kaugnayan sa sistemang ito.


Ayon sa isang grupo ng mga guro, hindi pa nareresolba ang problema sa distance learning noong nakaraang school year tulad ng kakulangan sa module at mahinang internet connectivity.


Bagay na posibleng maulit ngayong school year, at sa karanasan umano ng mga estudyante at guro ay talagang magastos ang distance learning.


Madaling isipin na nasa bahay lang, walang iniintinding pamasahe o baon, pero ang totoo, kailangan pa rin ng budget.


Kaya may panawagan sa gobyerno na maglaan pa ng pondo sa edukasyon.


Pinuna rin ang umano’y hindi nagamit na pondo sa loob ng Bayanihan to Recover As One Act na nakatulong sana para maging maayos ang distance learning. Mapapaso na ang batas sa Hunyo 30. Anila, hindi pa napo-provide sa mga teachers ang laptop computers na kabahagi nitong pondo. Wala pa umano ang data allowance na sinasabi nilang communication allowance na gagamitin ng mga guro at mahihirap na estudyante.


Ilan lamang sa mga problema na sana’y matutukan bago pa masimulan ang panibagong school year.


Sa ngayon, hindi lang ito problema ng gobyerno. Kahit pa ring magtulungan ang mga guro, magulang at mag-aaral. Huwag nating hayaang mahadlangan ng pandemya ang edukasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page