Mga Pinoy, natututo na kontra-COVID
@Editorial | December 10, 2021
Marami ang naniniwalang bumubuti na ang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.
Kaugnay nito, tumaas na ang posisyon ng Pilipinas sa COVID-19 Recovery Index ng Nikkei Asia.
Tumaas nang 46 spots ang puwesto ng Pilipinas sa Nikkei ranking.
Bumababa na ang kaso ng COVID at unti-unti nang bumabangon mula sa grabeng hatid nito.
Hindi rin maitatanggi ang naging pagpapatupad at pagsunod sa mga safety measures bagama’t may ilan pa ring pasaway.
Isa pa sa mga napansin ay ang pagtugon ng mga Pinoy sa pagbabakuna na masasabing panangga laban sa malalang COVID-19.
Nasa 38.6 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19. Target ng pamahalaan na mabakunahan hanggang 54 milyon bago matapos ang taon.
Kahit pa may banta ng bagong variant ng COVID, nagiging mas handa at nabawasan na rin ang takot ng publiko.
Malaki ang naitutulong ng maayos na komunikasyon sa pagitan ng gobyerno at mamamayan.
Ang regular na pagbabalita ay nakatutulong para mapigilan ang pagkalat ng maling balita na nagdudulot ng kalituhan at pangamba.
Aabot din tayo sa pagpapanagot sa mga walang magawa sa buhay.
Mainam na natuto na rin tayo pagdating sa pagsala ng impormasyong nasa social media.
Huwag nating hayaan na mabiktima.
Malapit na tayo sa tuluyang paglaya mula sa pandemya, kaunting pasensiya at pagtitiis pa.



Comments