Search
  • BULGAR

Mga Pinoy na na-stranded kailangang sumailalim sa swab test

ni Twincle Esquierdo - @News | June 26, 2020



Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque kailangan sumailalim sa swab test ang mga Pinoy na na-stranded at nais bumalik sa kani-kanilang lugar. Dagdag pa nito, ayon kay National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez ay pansamantalang itinigil ang programa ng transportasyon sa mga Locally-Stranded Individuals (LSIs) at Overseas Filipino Workers (OFWs) sa paghatid sa mga ito sa kani- kanilang probinsya. Kamakailan ay dumating na sa bansa ang Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test kits at hinihiling nila na baguhin ang protocol sa paghahatid ng mga indibidual dahil nagrereklamo umano ang mga local chief executives at mga mambabatas dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19. Dahil sa kakulangan ng swab test kit, ang mga OFW’s ay dapat magpakita ng kumpletong dokumento at medical certificate na nagsasabing nakumpleto nila ang 14 days quarantine at sasailalim lamang sila sa RT-PCR kapag nakarating na sila sa kanilang lalawigan. Ayon kay Roque, sa pagdating ng test kits kailangan makatanggap ng negatibong resulta bago ma-finalize ang kanilang travel details. “Ang sabi ni Secretary Galvez dahil dumating na po ang 1 million testing kits for PCR. Pwede nang bigyan ang lahat ng LSIs, kasama ang overseas Filipino workers, ng PCR bago sila pauwiin nang hindi na po magreklamo ang mga LGUs na ang nagdadala ng sakit sa kanilang lugar ay ang mga LSIs," aniya

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.