top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga pasyente sa COVID-19, nakarerekober na, ‘utak’ ng mga tagapayo ni P-Digong, kritikal pa rin, tsk

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 26, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 26, 2020



Dedo ang 15 katao sa pambobomba ng Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu.


Huh, akala ko, nalipol na?


◘◘◘


Flattened na raw ang curved sa COVID-19.


Matagal nang bumaba ‘yan—kapag ang “mortality” ang pinagbatayan!


◘◘◘


Palpak ang analysis o pagsusuri ng gobyerno kaugnay ng COVID-19.


Ibig sabihin, nakarekober ang mga pasyente, pero ang “utak” ng mga consultant ni P-Digong ay nasa “kritikal” pa!


◘◘◘


Kaawa-awa ang ekonomiya, sinisira mismo ng gobyerno.


Wala nang kinalaman ang COVID-19 sa ekonomiya¸siya pa rin ang sinisisi!


◘◘◘


Ginagamit pa rin ng ilang editor at writer sa Tagalog ang katagang “matadero” imbes na “matansero” sa pagtukoy sa tao na kumakatay ng hayop.


Ang matadero ay lugar kung saan kinakatay ang mga hayop.


Ang tawag sa obrero na kumakatay ng hayop ay “matansero”!


◘◘◘


Matansero ang kumatay ng mag-ina sa Hagonoy, hindi “matadero”.


Dapat mag-erratum ang “website” na naglabas nito para maitama ang termino—alang-alang sa mga estudyanteng nakatanghod sa online-class!


◘◘◘


Ang “matansero” ay ang pinakamatandang trabaho sa buong mundo at sa Pilipinas.


Ang “matansero” sa Kalinga-Apayao ay may kakayahang kumatay ng mga dambuhalang hayop kasinlaki ng rhinoceros!


◘◘◘


Sa pinakahuling paghuhukay ng mga arkeologo sa Kalinga-Apayao area, nakatuklas ang mga mananaliksik ng mga buto ng dambuhalang rhinoceros.


Ang mga buto ay may tama o hiwa o marka ng taga ng matalim na kasangkapan na tanging ang mga sinaunang tao lang ang maaaring makagawa.


Ang edad ng buto batay sa pagsusuri ay 700,000 taon.


700, 000 years ago ay may “matansero” na sa kabundukan ng Kalinga-Apayao area!


◘◘◘


Malinaw na ang sibilisasyon sa Asia ay nagsimula sa Pilipinas.


Natuklasan din ng mga mananaliksik na ang mga manok ay nagmula sa Pilipinas bago kumalat sa buong mundo.


Ibig sabihin, ang mga sinaunang Pinoy—ay mga sibilisado, matatalino, masisipag at matatapang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page