top of page

Mga pasaway sa TUPAD Program, sampulan!

  • BULGAR
  • Oct 8, 2022
  • 1 min read

@Editorial | October 8, 2022


Sa panahon ngayon na patuloy ang pagtaas-presyo ng mga bilihin at serbisyo, talagang kailangang kumayod.


Maswerte kung may regular na trabaho o mapagkukunan ng panggastos sa araw-araw.

Para naman sa mga wala talagang mapasukan, mapalad pa rin kapag napabilang sa mga naaalalayan ng gobyerno sa pamamagitan ng mga programa. Katulad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program.


Ang TUPAD ay nagbibigay ng emergency employment para sa mga Filipino workers na apektado ng pandemya, kung saan ang mga benepisaryo ay babayaran matapos magtrabaho ng 10 hanggang 30-araw.


Ang problema, may ilan na hindi naman pala karapat-dapat na mapabilang sa programa. Tulad ng tatlong benepisaryo ng TUPAD sa Davao City na nabistong nagpapanggap lang na nagtatrabaho. Na-hulicam ang pagpapanggap ng isang babae at isang lalaki kasama ang isang tagakuha ng litrato. Ang tatlo ay inatasang mag-community service kapalit ng ayuda.


Pero nabuking na nagpapalit-palit lang ang tatlo ng damit bago kuhaan ng litrato para masabing nagtatrabaho sila araw-araw kahit hindi naman.


Maraming nangangailangan at mas karapat-dapat sa programa na hindi nabigyan ng pagkakataon. Nakapanghihinayang na ang tatlo pang pasaway ang nasa listahan. Malinaw na inabuso nila ang gobyerno at niloko ang taumbayan, dapat lang silang sampulan.


Magsilbi sana itong paalala sa mga ahensya ng gobyerno na maging maingat at mapagbantay sa mga ipinatutupad na programa.


Salain nating mabuti ang mga benepisaryo, bantayan ang proseso at 'pag may mga nang-aabuso, tuluyan!

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page