top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga pasaway sa protocols, sampulan nang mabigat-bigat!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2022
1 min read

@Editorial | January 04 , 2022



Grabe ang itinaas ng kaso ng COVID-19. Huwag naman sana, tila ito na ang pinangangambahang panibagong surge ng COVID.


Bagama’t hindi pa malinaw kung ano ang pinagmulan ng biglang pagtaas, marami ang naniniwalang dahil ito sa pagluwag ng community quarantine, pagiging kampante at pasaway ng iba. Kahit paulit-ulit nang sinasabing mag-ingat at sumunod sa mga health protocols, marami pa rin ang pabaya at tila wala nang pakialam kung magkasakit man o makahawa ng iba.


Nakapanlulumo na tila nalilihis tayo ng landas sa pinapangarap nating mas ligtas at mas maayos na pamumuhay ngayong bagong taon.


Ang nangyayari, nag-uumpisa na naman ang hawahan, may mga ospital na nagiging limitado sa mga pasyente dahil nagkakasakit ang mga health workers.


Ang akala nating natuto na tayo sa mahabang panahon sa gitna ng pandemya ay hindi pa rin pala.


Marami pa rin ang pasaway — party dito, gala doon. Dedma sa social distancing, walang pakialam kung naka-facemask o hindi. Ang matindi, may mga nagagawa pang lantarang bastusin ang mga batas. Bago pa man lalong lumala ang sitwasyon, sana ay masampulan na ang mga matitigas ang ulo. Panahon na para magpataw ng mas mabigat na parusa.


Kung kailangang kasuhan, tuluyan na. Kung kailangan ang mas mataas na multa para matakot, gawin na at kung kailangang ikulong, arestuhin na agad.


Tila hindi na epektib ang puro warning, kailangan ‘yung nakikita at nararamdamang mali ang ginagawa. Pakiusap sa mga nakatatanda, maging mabuti sana tayong halimbawa.


Nakita natin ang epekto ng COVID, hindi ito biro, buhay ang mawawala. Maawa tayo sa ating mga anak.


Huwag nating ipagkait sa kanila ang masaya at malayang pamumuhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page