top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga pasaway sa kampanya, tuluyan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2022
1 min read

@Editorial | February 09, 2022



Ilang buwan bago ang May 9, 2022 elections, umarangkada na kahapon ang kampanya ng mga kakandidato sa national positions sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Bukas ang campaign period para sa mga kakandidato sa pagka-presidente, bise-presidente, senador at partylist groups mula February 8 hanggang May 7.


Habang sa March 25 naman magsisimula ang kampanya para sa local posts.


Kaugnay nito, sa Resolution No. 110732 na inilabas noong November 24, 2021, nagtakda ang Commission on Elections (Comelec) ng restriksiyon sa physical campaign activities sa gitna ng pandemya.


Ipinagbabawal sa mga kandidato ang magkaroon ng lahat ng klase ng physical contact tulad ng pagyakap, shaking hands o picture taking.


Binalaan din ang mga mangangampanya na iwasan ang pagtitipon, pagpasok sa mga bahay, pamimigay ng pagkain, inumin at iba pa.


Ang mga lalabag naman sa campaign guidelines ay papatawan ng parusa.


Ang tanong, masusunod kaya ang mga panuntunang ito o may mananagot kaya sakaling may mangyaring paglabag?


Batid natin na madaling magsabi ng mga puwede at bawal, pero hindi maitatanggi na tila sobrang hirap maipatupad ang mga ito lalo na sa mga pasaway.


Kaya ang pakiusap sa mga kandidato, bilang kayo ay nag-aambisyon na maging lider ng bansa, sana ngayon pa lang at sa inyo mismo magsimula ang pagsunod.


Kung hindi n’yo kayang sumunod at magpasunod sa inyong mga supporters sa mga panuntunan sa kampanya, ano’ng aasahan ng mamamayan ‘pag kayo na ang naupo?


Hamon naman sa mga kinauukulan na tuluyan ang mga pasaway. Nakikita naman natin ang mga paglabag, mas mainam na may masampolan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page