top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga pasaway na kandidato, 'wag hayaang makaporma sa 2022

  • BULGAR
  • Nov 29, 2021
  • 1 min read

@Editorial | November 29, 2021


Sa kabila ng paulit-ulit na paalala at babala ng mga awtoridad kaugnay sa pagsunod sa mga protocols kontra-COVID-19, marami pa rin ang pasaway.


Ang masaklap, pawang mga nag-aambisyong maging lider ng bansa ang pasimuno.


Huling-huli sa mga videos at photos kung paano nila lantarang ilagay sa panganib ang kalusugan ng taumbayan.


Sa tuwing mag-iikot, asagan na ang pagdagsa ng mga supporters at kahit hindi, umaasa na maabutan ng ayuda.


Bukod sa hindi na nasusunod ang physical distancing, may ilan pa na hindi na naisusuot nang wasto ang face mask.


Lantad ang ganitong mga paglabag, ang problema, tila walang malinaw na aksiyon ang kinauukulan.


Madali lang sabihin na mali at delikado ang ginagawa nila pero, hanggang ganu'n lang ba?

Kung ang mga tulad nila ang magiging lider ng bayan pagtapos ng halalan, ano'ng aasahan natin sa hinahangad na pagbangon mula sa pandemya?


Simpleng pagsunod sa mga batas kontra-COVID ay hindi magawa, paano pa sa ibang usapin?

Palagi na lang ba palalagpasin ang mga tulad nilang pasaway?


Ang kailangan ay matinding parusa sa mga walang disiplina.


Panahon na para matigil ang bulok na istilo. Lahat na lang ng pagpapapansin ay ginagawa. Huwag nating hayaan na makaporma sa 2022 ang mga pasaway na kandidato.


Ngayon pa lang, ilantad na natin ang mga pasimuno sa paglabag sa mga panuntunan ngayong may pandemya.


Hindi man sila tablan ng hiya, sana naman, may magawa na ang gobyerno at ang mismong publiko.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page