Search
  • BULGAR

Mga OFWs na namatay sa COVID-19, iuuwi na

ni Mylene Alfonso | June 27, 2020




Aprubado na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagpapauwi sa mga labi ng overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi dulot ng COVID-19.


Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, suportado ng IATF ang desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) na iuwi na sa bansa ang mga labi ng OFWs.


"Sinuportahan po ng IATF and DOLE at DFA sa desisyon na pauwiin ang lahat ng OFW na namatay dahil sa COVID-19," sabi ni Roque sa online briefing.


Una nang tinutulan ng pamahalaan ang pagpapauwi sa bansa ng mga namatay na OFWs sa COVID-19 dahil sa "danger of transmission".


Gayunman, kinondena ito ng pamilya ng mga Filipino na namatay sa COVID-19 sa Saudi Arabia kaya umapela si Labor Secretary Silvestre Bello III para sa repatriation.


Nabatid na may 287 Filipino na namatay sa Saudi Arabia kung saan kabilang dito ang 107 na COVID-19 patients habang ang iba ay namatay dahil sa ibang natural causes ayon kay Bello.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.