Mga negosyo sa Surigao City, unti-unti nang binubuksan

ni Jasmin Joy Evangelista | December 20, 2021

Bilang bahagi ng pagbangon ng Surigao City, unti-unti nang binubuksan ang mga negosyo rito matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Ayon kay Mayor Ernesto Matugas, pinipilit na nilang magbukas ang mga bangko, kainan, supermarket at iba pang negosyo kahit limitado ang operasyon nito at kahit mahirap pa rin ang sitwasyon sa lungsod dahil hindi pa rin naibabalik ang suplay ng tubig at kuryente.
Nananawagan din ang lokal na pamahalaan ng tulong-pinansiyal para sa mga libo-libong residente na nasira ang bahay at ari-arian.
Para sa mga nais tumulong, maaaring idiretso ang mga relief goods sa city hall dahil wala pa ring maayos na communication services sa lugar, ayon sa LGU.





Comments