Mga negosyante, tiis pa more sa limitadong capacity
@Editorial | October 31, 2021
Extended ang ipinatutupad na Alert Level 3 sa Metro Manila hanggang Nobyembre 14, 2021.
Kasunod nito, nais namang iapela ng mga restaurant owners ang naging pagpapalawig, sa kabila ng pagbaba na ng kaso ng COVID-19.
Hiling nila ang dagdag-capacity sa kanilang mga puwesto para sa mas maraming kostumer at upang makabangon ang mga negosyo mula sa matinding pagkalugi ngayong may pandemya.
Tiniyak ng mga negosyante na sa kabila ng dagdag-kapasidad, patuloy namang ipatutupad ang paghihigpit, kaya wala umanong magiging problema sa health protocols.
Sa ngayon, 30 percent pa rin ang pinapayagan sa loob ng restaurant, habang 50% naman sa labas o alfresco dining.
Samantala, tugon naman ng mga awtoridad, may mga basehan ang pagpapanatili at maging ang pagtanggal ng restrictions, hindi lang umano bilang ng kaso ng COVID-19, kundi maging ang hospital utilization at ICU at COVID beds.
‘Ika nga, hinay-hinay lang. Sa kabila ng mga pagluluwag, kailangang maging mas maingat.
Alalahanin natin, nariyan pa rin ang banta ng COVID, hindi dapat magpabaya. Huwag nating sayangin ang napakahabang panahon na tayo’y nagtiis para tuluyang bumaba ang COVID-19 cases.
Gayunman, nauunawaan din natin ang mga negosyante lalo’t hindi lang naman ito tungkol sa kanila o sa kanilang pamilya, kundi para rin sa kanilang mga empleyado na may pamilya ring kailangang suportahan. Sa laban na ito, palagi nang magkakaugnay ang lahat.



Comments