top of page

Mga nanood, buwisit na buwisit… CONCERT NG BINI SA DUBAI, PARA LANG DAW SCHOOL PROGRAM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | May 23, 2025



Photo: BINI PH - IG


“Budol!” sigaw ng netizen na may mga kaanak sa Dubai na nagrereklamo sa tila ‘way below’ production value ng BINI concert sa naturang lugar.


Para raw sa mga Bloomers at mga nagbayad ng mahal sa concert, hindi nila sinisisi ang kilalang girl group dahil magagaling naman daw ang mga ito at hindi pa rin binigo ang mga fans nila.


Ang problema nga raw ay hindi man lang inisip ng producer ng show ang sitwasyon ng mga manonood na nasa malayong puwesto.


“For such a venue that holds thousands of crowds? Mahal pa ang tickets? Ganu’n lang ang production value, parang school program lang?” ang halos magkakaparehong komento ng mga Pinoy na nanood ng nasabing show.


Bahagi nga ng world tour ng BINI ang naturang Dubai leg, kaya’t mataas umano ang expectation ng mga tao lalo na ‘yung mga Bloomers talaga.


“They (producers) made it look cheap. We would not be surprised if sooner or  later, the girl group would disband,” sey naman ng ilang tila negatrons.


Hindi pa namin na-receive ang anumang photos o video na ini-request namin sa mga nagrereklamo. Ilan nga ang tungkol sa sinasabing way below production values ay gaya ng kawalan ng malaking LED monitor para sa mga nasa malalayong puwesto, ang bonggang audio system, ang mga paandar na ilaw at fog machine, pati na ang iba pang audio-video enhancements para matawag man lang na ‘world-class’ ang naturang Dubai leg.



SA nalalapit na pagsisimula ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) ay sunud-sunod nang ipinakita ang character teasers ng mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda at Angel Guardian, pati na rin ang karakter ni Rhian Ramos.


Marami ang bumilib at talaga namang pinag-uusapan ang mga karakter. 


Sey ng ilang netizens, “Napahanga ako sa line ni Bianca na ‘Para sa Encantadia.’ Ang strong and powerful niya nang sinabi n’ya na ‘yun. Masasabi ko na bagay talaga sa kanya ‘yung role. I can’t wait na mapanood ang bagong Encantadia. Super-angas ng special effects and graphics. Kudos Encantadia Chronicles: Sang’gre. Super-galing n’yo.”


Samantala, kani-kanyang bida rin ang mga fans nina Faith, Kelvin at Angel sa kanilang mga teasers. Kasabay din nito ang pagpapakilalang muli kay Rhian Ramos bilang Mitena. 


Sey ng isang netizen, “Mukhang may bago na namang magpapa-highblood sa ‘kin.”

Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang’gre ngayong Hunyo sa GMA Prime!


Dapat daw kayang basahin ang isip niya…  

SOFIA, ROBOT ANG HANAP NA ALALAY


MEANWHILE, may mga netizens namang nagtatanong kung nahanap na ba o nakakuha na ba si Sofia Andres ng kanyang personal assistant?


Nag-viral kasi ang naging post ni Sofia hinggil dito, lalo’t para sa mga netizens o nakabasa ng kanyang post ay tila naghahanap daw ng kakaibang ‘robot’ ang mayamang aktres.


Kung inyong matatandaan, ganito ang naging post ni Sofia, “Now hiring a Personal Assistant who can read my mind, organize my chaos, and remind me where I left my coffee (and my schedule). Must be 10 steps ahead, stylishly sharp, and allergic to ‘I forgot.’ Think that’s you? Slide into the inbox—applications open, excuses closed. Email me thesofiaandres@gmail.com.”


Grabe ang inabot na bashing ng aktres hinggil dito lalo na sa parteng ‘keri raw na basahin ang kanyang isip ng naturang PA.’


Wala namang kumuwestiyon sa kakayahang magbayad ni Sofia dahil alam nilang bilyonarya ito. ‘Yun nga lang, may nakuha na kaya siya o may nag-apply man lang?


‘Di umubrang senador…

IPE, ALALAY NI SEN. BONG GO ANG BAGSAK


AY, speaking of apply, may mga bashers si Phillip Salvador o Kuya Ipe na nagsasabing hindi na sila magugulat kung maging PA (personal assistant) man ito ni No. 1 elect-Senator Bong Go.


Kahit hindi pa raw pumapasok sa pulitika si Kuya Ipe ay hindi na talaga ito nangimi o nahiya man lang na maging PA ni Sen. Go. 


In fact, sa napakarami raw na commitments ng senador kahit noon pa ay madalas na inire-represent siya ng aktor.


“Kaya ‘wag na po tayong magtaka kung magiging regular na ‘tao sa Senate office’ si Kuya Ipe dahil sure namang  mag-e-enjoy siyang maging alalay ni Sen. Bong Go,” hirit ng netizen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page