Mga nag-apply sa ayuda ng DOLE, umabot na sa halos 100K
- BULGAR

- Feb 8, 2022
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | February 8, 2022

Umabot na sa halos 100,000 ang nag-apply para sa ayuda ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).
Sa ngayon ay 30,000 na ang aprubado habang 17,000 naman ang for evaluation.
Nauna nang sinabi ng DOLE na hindi pasok sa programa ang mga 2020 o 2021 pa natanggal sa trabaho at mga naka-flexible working arrangement o yung bawas lang ang araw ng pasok kaya marami sa mga nag-apply ang ‘denied’.
Ayon sa DOLE, prayoridad sa CAMP ang mga nawalan talaga ng traabaho.
Sa tantiya naman ng Department of Trade and Industry, marami na ang mga manggagawang nakabalik sa trabaho sa mga lugar na nasa alert level 2.








Comments