top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga motorista, hanggang iling na lang sa non-stop oil price hike

BULGAR
Apr 26, 2022
1 min read

@Editorial | April 26, 2022


Ang init ng panahon, mas paiinitin ng panibagong dagdag-presyo sa petrolyo.


Sa abiso ng mga kompanya ng langis, ngayong araw nakatakdang magpatupad ng price hike. Asahan ang mahigit P4 na dagdag-presyo sa kada litro ng diesel habang mahigit P3 naman sa gasoline at kerosene.


Wala namang magagawa ang publiko kundi ang kumamot ng ulo at umiling na lang. Hindi naman puwedeng 'di magpa-gas dahil lalong nganga ang kabuhayan.


May iba na halos tanggap na ang ganitong sitwasyon. Magro-rollback nang mababa, babawi nang mataas. Kapag sinuma, napakalaking halaga na pala ang itinaas sa presyo.


Hindi rin naman puwedeng basta magtaas ng pamasahe ang mga drayber o magdagdag ng presyo sa mga bilihin o singil sa serbisyo. Masakit din sa kalooban na magbaba ng kalidad ng produkto, tiyak na mag-aalisan ang mga kostumer, lalong lugi ang negosyo.


Kaya sana, sa anumang paraan ay matugunan na ng gobyerno ang usapin sa pagtataas ng presyo sa petrolyo. Huwag na sanang umabot sa wala na talagang magagawang diskarte ang mamamayan kundi ang tumigil.


Kung wala mang magawa ang pamahalaan sa pagpepresyo ng petrolyo, kahit sa pagbibigay na lang ng alternatibong paraan.


Kapansin-pansin na sumisigla na ang ating ekonomiya, halos balik-operasyon na ang lahat, huwag naman sanang mapigilan pa ang pag-usad dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Kaya plis lang, sa ating mga opisyal at eksperto, pagtulungan natin na unti-unting makawala sa ganitong sitwasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page