Mga lugar sa ilalim ng MECQ, GCQ; NCR at karatig-lalawigan iaanunsiyo ni P-Duterte sa August 17
- BULGAR

- Aug 15, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 15, 2020

Nagpalabas ng anunsiyo si Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque hinggil sa quarantine classification na ipapatupad.
Ayon kay Roque, sa IATF Resolution No. 63, mula August 16 hanggang August 31, 2020, nasa MECQ, with strict enforcement of local action, ang mga lugar ng CAR, R-I, R-II, R-III, R-IV-B, R-V; R-VI, R-VII, R-VIII; R-IX, R-X, R-XI, R-XII, CARAGA, BARMM.
“Magkakaroon pa rin po tayo ng localized community quarantines o granular lockdowns at lalo itong hihigpitan,” sabi ni Roque.
Gayundin, sa mga lugar sa ilalim ng GCQ, ang Nueva Ecija, Batangas, Quezon; Iloilo City, Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City; Talisay City, bayan ng Minglanilla at Consolacion sa lalawigan ng Cebu.
Gayunman, para sa community quarantine classification sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang MECQ, sa Lunes, August 17, 2020.





Comments