top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga lubak na nakamamatay, ayusin na, utang na loob!

BULGAR
Oct 1, 2022
1 min read

@Editorial | October 1, 2022


Lubak sa kalsada ang isa sa mga problema na araw-araw na kinahaharap ng mga motorista.


Bukod sa nakadaragdag sa trapik dahil kailangang magbagal ang dumaraan, mapanganib pa sa mga puwedeng sumemplang.


Noong nakaraang linggo, isang motorcycle rider ang namatay sa Roxas Boulevard matapos mawalan ng balanse nang mapadaan sa lubak at magulungan ng isang trailer truck.


Ayon din sa isang traffic enforcer, marami nang naaksidente sa lugar, lalo na tuwing umuulan.


Madulas ang kalsada at kapag tumataas ang tubig, hindi nakikita ng mga motorista ang mga butas na maaaring madaanan.


Ayon naman sa Department of Public Works and Highways, patuloy ang rehabilitation sa mga kalsada sa Roxas Boulevard.


Ganito rin ang problema sa ilang probinsya na tila hindi nakikita ng mga opisyal ng gobyerno.


Marami nang post online ng mga aksidente pero dedma.


Isa umano sa dahilan kaya nasisira ang kalsada ay ang mga dumaraang overloaded na mga trak, baka naman puwede ring magkusa ang mga kumpanya ng mga 'yan sa pampagawa.


Hindi lang sapat ang sori sa mga motoristang dumaraan at napeperhuwisyo nang dahil sa lubak, kailangan ng mabilisang solusyon at pangmatagalan, hindi 'yung ginawa ngayon, bukas makalawa, sira na naman, malubak na naman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page