top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mga kumalas sa PDP ni ex-P-Duterte, yari ‘pag naging presidente si VP Sara

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 31, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


MALASAKIT NI SEN. BONG GO SA MAMAMAYAN, DAPAT SUKLIAN, GAWIN SIYANG NO. 1 SENATOR SA 2025 ELECTION -- Sa ngayon ay mayroong 165 na Malasakit Center, na akda ni Sen. Bong Go sa 165 public hospitals sa buong bansa.


Ibig sabihin, ang mga mahihirap nating kababayan na residente sa National Capital Region (NCR), Cordillera Autonomous Region (CAR), Regions 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13 o CARAGA region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay nabibiyayaan na ng “free hospitalization” nang dahil sa Malasakit Center ni Sen. Go.


Si Sen. Go ay hindi nagpapatanaw ng utang na loob sa naisabatas niyang “Malasakit Center Act” dahil ang katuwiran niya ay kaban ng bayan ang pinampopondo rito, pero sana naman, suklian ng mga residente sa lahat ng rehiyong ito ang pagmamalasakit sa kanila ng senador. Ang nais nating ipunto rito ay iluklok sana ng mamamayan si re-electionist Sen. Bong Go bilang number 1 senator sa 2025 midterm election, kasi nga nang dahil sa kanya ay naging “free hospitalization” na ang mga public hospital na may Malasakit Center, period!


XXX


MGA KUMALAS SA PDP NI EX-P-DUTERTE, HINDI NA MAKAKABALIK SA PDP KAPAG NAGING PRESIDENTE SI VP SARA -- Nasa 60 local officials sa Negros Occidental ang kumalas sa Partido Demokratiko ng Pilipinas (PDP), political party na pinamumunuan ni ex-P-Duterte, at hindi lang sila, kundi marami na ring kongresista ang nagsipagbalimbing na kumalas sa partido ng ex-president.


Sa totoo lang, kapag nabaligtad ang sitwasyon at biglang naging presidente ang anak ni ex-P-Duterte na si Vice Pres. Sara Duterte, markado na ang mga balimbing na mga pulitikong ‘yan, tiyak hindi na sila makakabalik sa partidong PDP, boom!


XXX


NAPAG-IIWANAN NA NG PANAHON ANG ‘PINAS SA ISYUNG DIBORSYO -- Sa 195 bansa sa buong mundo, tanging ang Pilipinas at Vatican City na lang ang walang ipinaiiral na batas patungkol sa diborsyo.


Patunay ‘yan na napag-iiwanan na talaga ng panahon ang Pilipinas, tsk!


XXX


MAS GUSTO YATA NG MGA PULITIKONG ANTI-DIVORCE NA MAGPATAYAN NA LANG ANG MAG-ASAWANG ‘DI MAGKASUNDO KAYSA PAGHIWALAYIN -- May mga nababalita na may mag-asawang laging nag-aaway ang humahantong sa patayan, may news na pinatay ni mister si misis at may report din na pinatay ni misis si mister.


Ganyan yata ang gustong mangyari ng mga pulitikong anti-divorce, na magpatayan na lang ang mag-asawang hindi nagkakasundo kaysa paghiwalayin sa pamamagitan ng divorce, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page