Search
  • BULGAR

Mga konsiyumer, umaapela sa putol-kuryente

@Editorial | January 14, 2021



Sinimulan na ang pagpapadala ng notices of disconnection sa mga konsiyumer na sablay na sa pagbabayad ng kuryente.


Kaugnay nito, patuloy ang panawagan na paigtingin pa ang installment na pagbabayad.


Bagama’t marami na ang balik-trabaho at unti-unting nagbubukas ang negosyo, masasabing hindi pa rin naman maayos ang lahat.


May mga baon pa rin sa utang dulot ng sunud-sunod na kalamidad na sinabayan pa nitong pandemya. Lahat ay apektado rin sa pagtaas ng mga bilihin at serbisyo.


Kung mapuputulan pa ng kuryente dahil sa nagpatung-patong na bayarin, paano pa makakabawi?


Tiyak na apektado rin ang kabuuang ekonomiya ng bansa.


Kaya ang pakiusap sa kumpanya ng kuryente at maging sa iba pang naghahatid ng mga pangunahing serbisyo at produkto, dagdag-pang-unawa pa.


Baka puwedeng makipag-ugnayan din sa mga ahensiya ng gobyerno para sa tulong o makapagbibigay ng posibleng paraan upang mapalawig pa ang pagbabayad sa utang.


At pakiusap naman sa mga konsiyumer, gawan din natin ng paraan upang unti-unting makaahon sa mga pagkakautang.


Ngayon tayo dapat maging mas wais sa paggastos at piliting makapag-ipon para sa mga susunod na panahon.


Tulad ng palagi nating sinasabi, ang taong 2021 ay pagbangon at pagbawi mula sa mga nawala dahil sa COVID-19. At hindi natin ito kakayanin nang mag-isa. Kailangang magtulungan ang taumbayan, ang gobyerno at ang mga nasa pribadong sektor.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.