top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga komyuter, ubos na ang diskarte sa hirap ng biyahe

BULGAR
Dec 23, 2022
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | December 23, 2022

Dahil sa hirap ng pagbiyahe, partikular ang pagbu-book sa mga ride hailing app, kani-kanyang diskarte ang mga komyuter para makasakay.


Habang may ilang kumakagat sa habal-habal kahit doble ang presyo, may mga pasahero namang nagbu-book sa mga delivery app. Ang siste, imbes na package ang ipadala ay pasahero ang ihahatid.


Ayon sa isang delivery rider, halos triple ang booking ng mga padala ngayon, kaya laking-gulat niya nang makatanggap ng booking, ngunit tao pala ang kanyang ihahatid.


Aniya, hindi ito ang unang beses na nakatanggap siya ng ganito klase ng booking. Pero imbes na pagbigyan ay tinanggihan niya ito dahil labag ito sa polisiya ng kanilang serbisyo at ipina-cancel ang naturang booking.


Diskarte naman ilang pasahero, mayroon na silang contact na mga rider para hindi mahirapang makapag-book at may ibang opsyon pa kung hindi puwede o nasa malayo ang unang nakontak na rider.


Batid nating pahirap nang pahirap ang pagbiyahe habang palapit ang pagtatapos ng taon. Ang saglit na biyahe ay inaabot ng ilang oras, kaya ang ending, mas malala ang pagod sa biyahe kaysa sa trabaho o anumang gagawin sa labas.


Nakalulungkot din na umabot sa puntong hindi na tama ang diskarte ng mga komyuter, tulad na lamang ng paggamit ng delivery app para makapag-book.


Pero huwag natin kalimutan na hindi hahantong sa ganitong solusyon ang mga komyuter kung kaya pang diskartehan ang problema sa transportasyon.


Alam nating wala sa publiko ang problema kundi sa mga nakatataas na. Kaya panawagan sa mga kinauukulan, galaw-galaw.


Matagal nang nagtitiis ang publiko sa problemang ito at kung tutuusin, walang may gusto ng ganitong senaryo.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page