Mga komyuter, magbaon na ng mahabang pasensiya
@Editorial | March 15, 2022
Dahil pa rin sa non-stop oil price hike, kani-kanyang diskarte ang mga drayber kung paano makakasabay.
May mga driver ng public utility jeepneys (PUJs) ang mapipilitan na umanong magbawas ng kanilang mga biyahe para makatipid sa pera at krudo.
Kaya asahan na raw ng publiko ang pagbaba ng bilang ng mga jeepney units na papasada sa ilang ruta sa buong bansa simula ngayong araw o bukas.
Sa halip na malugi dahil sa walang tigil na taas-presyo sa gas, gagawa na lang umano sila ng ibang paraan para matawid ang isang araw.
Sinasabing ang bantang tigil-pasada ay hindi protesta kundi wala na raw talagang pera ang mga tsuper.
Kaya ang pakiusap sa mga komyuter, magbaon ng maraming pasensiya.
Kaugnay naman sa ayuda para sa transport group, sana ay ibigay na agad. Huwag nang pahirapan ang mga tatanggap. Kapag pinatagal pa ito, mas lalong lalala ang sitwasyon.
Sana'y makatawid na tayo sa problemang ito para tuluyan nang makapag-focus sa mga bagay na dulot naman ng pandemya.



Comments