top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga kandidatong pasimuno sa pagpapasaway, sampulan na!

BULGAR
Mar 27, 2022
1 min read

@Editorial | March 27, 2022


Kung gaano kadalas na ipinaaalala ng mga awtoridad na lagi pa ring mag-ingat laban sa COVID-19, ganundin kung labagin ito ng mga kandidato at kanilang mga supporters.


Sinabi nang bawal pa rin ang halik, yakap at pakikipagkamay, ginagawa pa rin.


Kaya nanawagan ulit ang Department of Health (DOH) sa mga kandidato na maging mabuting ehemplo sa publiko.


Nananatili pa rin ang banta ng COVID sa bansa at sa katunayan ay lumalala pa ang mga kaso nito sa iba’t ibang panig ng mundo.


Ito ang dahilan kung bakit dapat na mapanatili ng bawat isa ang pagsunod sa mga ipinatutupad na protocols. Ang wastong pagsusuot ng face mask ay malaking tulong lalo na 'pag pupunta sa mga campaign sorties.


Umarangkada na rin ang kampanya para sa lokal na posisyon. Talagang mahirap nang pigilan ang mga paglabag. Kaya ang pakiusap ay higit na ipinapanawagan sa mga kandidato lalo't sila ang nangangarap na mging susunod o mananatiling lider ng mamamayan. Sana naman, sa inyo na magsimula ang pagiging mabuting halimbawa. Sa inyo pa lang ay nakikita na ang pagsunod sa mga panuntunan at hindi 'yung kayo pa ang pasimuno sa pagpapasaway.


Pero, kung talagang pabaya na at wala talagang maaasahang disiplina, dapat nang kumilos ang DOH at maging ang Commission on Elections (Comelec).


Tukuyin ang mga pasaway na kandidato at sampulan. Kung kailangang ilantad ang mga ginagawang paglabag ay gawin na.


Utang na loob, huwag na sana nating ipasa sa taumbayan ang gawain na sana'y ang mga kinauukulan ang gumagawa lalo't lantad naman sa mga video at larawan ang kanilang mga paglabag bilang ebidensiya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page