top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga kandidatong pasaway, ‘wag iboto

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2022
2 min read

@Editorial | January 28, 2022



Sa February 8, magsisimula na ang kampanya para sa national candidates habang March 25 naman para sa mga local candidates.


Kaugnay nito, binalaan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga kandidato hinggil sa iba’t ibang uri ng physical contact.


Kabilang sa mga hindi puwedeng gawin sa panahon ng kampanya ng mga kandidato at ng kanilang mga kasamahan ay handshakes, hugs, kisses, going arm-in-arm, pamamahagi ng pagkain at inumin, lalo na ang cash.


Sa ilalim ng Section 15 ng Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10732, mahigpit itong ipinagbabawal sa panahon ng caucus, meetings, conventions, rallies, at miting de-avance.


Sa ilalim ng Section 14 naman sa nasabing resolution, ang mga kandidato at kanilang mga support staff ay mahigpit na ipinagbabawal na pumasok sa mga kabahayan, lalo na sa panahon ng house-to-house campaigning kahit pumapayag pa ang may-ari ng bahay.


Sinumang lalabag ay papanagutin sa ilalim ng Omnibus Election Code, kung saan maaaring makulong ng anim na taon at perpetual disqualification from holding public office.


Bukod dito, mahaharap din sa paglabag sa ordinances ng local government units (LGUs) at paglabag sa Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.


Sa madaling salita, patung-patong na kaso sa pasaway na kandidato.


Nakasaad naman sa Section 25 ng nasabing resolution na ang mga barangay officials, tanod at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang istriktong magpapatupad ng minimum public health standards sa panahon ng kampanya.


Ang Philippine National Police (PNP) naman ang inatasang magpanatili ng kaayusan sa panahon ng kampanya.a


Ipinaalala rin na sa mga lugar na nasa Alert Level 4 at 5, mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya.


Para naman sa mga lugar na nasa Alert Level 1, puwede ang caucuses, meetings, conventions, rallies, at miting de-avance sa 70 percent operational capacity ng venue indoor o outdoor, habang 50% sa mga lugar na nasa Alert Level 2.


Tandaan natin, nasa paligid lang ang COVID-19, hindi dapat makalimot.


Sa mga kandidato at supporters, hinay-hinay lang plis lang.


Matuto tayong sumunod sa batas para walang dagdag-problema.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page