top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga kandidatong panalo at talo, magligpit ng mga ginamit sa kampanya

BULGAR
May 12, 2022
1 min read

@Editorial | May 12, 2022


Grabe ang iniwang basura ng nagdaang kampanya hanggang mismong araw ng halalan.

Posible umanong mas maraming basura mula sa campaign materials ang mahakot sa Metro Manila ngayong 2022 kumpara noong 2019.


Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mula Mayo 7, nakalikom na ng 180.87 tonelada ng campaign materials sa National Capital Region at tuloy ang paghakot hanggang sa susunod na linggo.


Noong 2019 midterm elections, aabot sa 200 tonelada ang nakalap na campaign materials.


Karamihan sa mga nakuha ay tarpaulin, bagama’t nabawasan na umano ang campaign materials na gawa sa papel.


Dadalhin ang mga ito sa solid waste granulator ng MMDA sa Tondo, Maynila para gawing bricks o hollow blocks.


Mainam lang na muling napapakinabangan ang mga ito – ilang campaign poster mula sa tarpaulin ang ginagawang bag at puwede pang pagkakitaan.


Samantala, ang patuloy na panawagan sa mga kandidato, magkusang iligpit ang mga ikinabit. Huwag nang iasa sa MMDA o sa ibang ahensiya.


Dapat nga, lahat ng kandidato, panalo o talo, ay tumulong sa pagtatanggal ng posters.


At sana sa mga susunod na halalan, may iba nang paraan ng pangangampanya, ‘yung iwas-kalat at hindi na masakit sa mata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page