top of page
Search
BULGAR

Mga kakandidato sa 2028 presidential election nawala na ang kaba, VP Sara ‘di tatakbong pangulo

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 21, 2023


MALAMANG NAWALA NA ANG KABA NG MGA KAKANDIDATO SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION KASI SABI NI VP SARA HINDI SIYA TATAKBONG PRESIDENTE -- Para matigil na ang isyu patungkol sa napakatagal pang 2028 presidential election, sinabi ni Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio ay wala raw siyang planong kumandidatong presidente.


Dahil sa sinabing ‘yan ni VP Sara, marahil hindi na kakaba-kaba ang ibang pulitikong naghahangad na kumandidato sa 2028 presidential election, kasi nga sa totoo lang, kung tatakbo sa pagkapresidente ang anak ni ex-P-Duterte ay liyamado ito sa halalang pampanguluhan sa 2028, period!

◘◘◘


KUNG HINDI DAHIL SA BOTO NG MILYUN-MILYONG DDS BAKA HINDI NAGING PRESIDENTE SI P-BBM KAYA’T DAPAT LANG MAGTIWALA SIYA KAY VP SARA -- Ayon kay VP Sara ay kumpiyansa siyang malaki pa rin ang tiwala sa kanya ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM).


Aba’y dapat lang talaga magtiwala si P-BBM kay VP Sara, kasi kung hindi dahil sa bise presidente at sa suporta ng milyun-milyong Duterte Diehard Supporters (DDS) ay baka hindi siya (P-BBM) nanalong presidente, boom!


◘◘◘


MGA MADADALDAL NA TRAFFIC ENFORCER SIBAKIN PARA HINDI NAKAKASIRA NG REPUTASYON NG MGA PUBLIC OFFICIALS -- Dapat ang italagang mga traffic enforcer ay hindi madadaldal para hindi sila nakakasira sa reputasyon ng mga public official.


Dalawang opisyal kasi ng bansa, sina VP Sara at Sen. Bong Revilla, ang naging biktima ng kadaldalan ng mga traffic enforcer.


Noong October 5, 2023 ay may convoy ng VIP o very important person ang dumaan sa Commonwealth Avenue kaya pinahinto ang sasakyan ng mga motorista at nagkatrapik-trapik, ang pinagbintangang VIP ay si VP Sara, gayong hindi naman pala siya iyong VIP na dumaan dahil nasa Mindanao ang bise presidente kasama ang mga guro sa pagdiriwang ng Teacher’s Day At noong November 15, 2023 ay si Sen. Revilla naman ang nabatikos sa pagdaan daw sa EDSA busway gayong nasa Cavite pala ang senador.


Ang nais nating ipunto rito, ‘yung mga madadaldal na traffic enforcer tanggalin, period!


◘◘◘


SANA HINDI PABIDA LANG NI P-BBM SA SINABI NIYANG KAHIT SINGLE SQUARE INCH ‘DI SIYA PAPAYAG NA MAKUHA ANG ATING TERITORYO NG IBANG BANSA -- Sabi ni P-BBM, hindi raw siya papayag na kahit single square inch ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) ay maagaw ng anumang foreign power sa mundo.


Sana totoo ang sinabing ‘yan ni P-BBM at hindi lang pabida sa mga Pilipino, boom!


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page