top of page

Mga kabataang nasa lansangan, sagipin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 6, 2024
  • 1 min read

by Info @Editorial | August 6, 2024


Editorial

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Isa sa mga ‘di malilimutang kataga ni Dr. Jose P. Rizal. Pero, paano kung ang mga kabataan ay tambay sa lansangan at lantad sa iba’t ibang krimen? Ano’ng kinabukasan ang naghihintay sa kanila?


Kamakalawa, nasagip ang 15 menor-de-edad sa bahagi ng EDSA, pasado alas-12 ng hatinggabi. Anim sa kanila ay mga babae habang siyam ay mga lalaki.


Ayon sa barangay, matagal na nilang binabantayan sa lugar ang naturang mga kabataan na kung minsan ay nakikipagpatintero pa umano sa mga sasakyan.


Kapag sinagip, sa barangay hall daw muna dinadala ang mga kabataan at nakatakdang i-turnover sa kani-kanilang barangay kung saan sila nakatira. At kung wala umanong mga magulang, saka sila dadalhin sa Bahay Kalinga.


Hindi lang basta tambay ang ginagawa ng mga menor-de-edad, ilan umano sa kanila ay gumagamit pa ng solvent at nasasangkot sa pagnanakaw na ang madalas na target ay mga komyuter na napapadaan sa lugar.


Nangyayari ito hindi lang sa EDSA o sa isang lungsod kundi sa iba pang lugar sa Metro Manila.


Kinakailangan ng mas pinatinding hakbang mula sa gobyerno, komunidad, at mga organisasyon upang mabigyan sila ng tamang edukasyon, kanlungan, at oportunidad. Dapat nating sikaping itama ang mga sistemang nagiging sanhi ng kanilang pagkakalantad sa lansangan at kriminalidad.


Ang ating pananagutan ay hindi nagtatapos sa pag-aabot ng tulong, dapat din tayong magsilbing gabay at inspirasyon para sa mga kabataan upang hindi sila maligaw ng landas.



1 Comment


Guest
Nov 06, 2024

EPTU Machine ETPU Moulding…

EPTU Machine ETPU Moulding…

EPTU Machine ETPU Moulding…

EPTU Machine ETPU Moulding…

EPTU Machine ETPU Moulding…

EPS Machine EPS Block…

EPS Machine EPS Block…

EPS Machine EPS Block…

AEON MINING AEON MINING

AEON MINING AEON MINING

KSD Miner KSD Miner

KSD Miner KSD Miner

BCH Miner BCH Miner

BCH Miner BCH Miner

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page