top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga iskul na winasak ni 'Karding', mabilis sanang maitayo

BULGAR
Sep 28, 2022
1 min read

@Editorial | September 28, 2022


Base sa Department of Education (DepEd)-Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), hindi bababa sa 20 paaralan ang nasira dulot ng Super Typhoon Karding.


Kabilang sa mga paaralang ito ay matatagpuan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, National Capital Region (NCR), at Cordillera Administrative Region (CAR).


Mayroon ding 107 school divisions ang apektado sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, NCR, at CAR.


Kaugnay nito, nangangailangan umano ang Department of Education (DepEd) ng P112 milyon para sa pagpapaayos ng mga nasirang paaralan dahil sa Bagyong Karding.


Kung may sapat na pondo, ibigay na agad para hindi maapektuhan ang esukasyon. Kung medyo butas pa ang bulsa at kailangang mangalap muna ng budget, tiis lang pero huwag sanang mapabayaan ang edukasyon. Gamitin muna ang mga alternatibong paraan.


Batid natin ang hirap tuwing may nananalasang bagyo. Talagang wasak at back to zero ang kabuhayan at ang sistema ng pamumuhay kasama na ang sa edukasyon.


Kailangang magtiyaga, magsikap ulit sa pagbuo ng mga nawala at tuloy lang.


Tandaan natin na marami nang dumaan na bagyo at krisis, kinaya naman natin kaya walang dahilan para sumuko, bawi na lang ulit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page