top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga isinailalim sa MECQ, makatatanggap ng 3rd tranche

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2020
  • 1 min read

ni Twincle Esquierdo | August 4, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Dahil dalawang linggong MECQ magbibigay muli ang gobyerno ng cash aid para sa mga mamayang hindi makakapaghanap buhay. Ang 8.979 milyon families katumbas ng 11.5 milyon benepisyaryo ay 77 percent ang nabigyan noong 2nd tranche.


Tinarget umano ng DSWD na matapos ang pagbibigay ng SAP noong Mayo ngunit nagkaroon ng delay, ninais ng DSWD na umabot sa 80% ang mabibigyan sa katapusan ng Hulyo. Gayunpaman, klinaro ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na plano nilang matapos ang pagbibigay ng SAP sa kalagitnaan ng Agosto.


"As we have earlier communicated, we aim to meet 80% accomplishment by July 31. But in some areas, our goal is to complete payout by the middle of August,” aniya


Ang SAP, Bayanihan to Heal as One Act of 2020, ay para sa halos 18 milyon Filipino families na apektado ng enhanced community quarantine sa Luzon.


Lalo na sa mga mangagagwang hindi puwedeng i-work-from-home ang kanilang mga trabaho at walang mga inaasahang income.


Nagbigay ang DSWD ng first tranche noong Abril, second tranche noong May, na dapat ay kada buwan ay nagbibigay ng SAP na aabot sa minimim wage sa mga particular areas.


Gayunpaman, hindi inaprubahan ng DSWD ang mga unang nabigyan noong Abril.

Dahil late ang pagbibigay ng SAP ay naibigay na ito sa huling araw ng Hunyo sa Metro Manila at nasa ilaim na sa general community quarantine (GCQ).


Sa ngayon magkakaroon ng third SAP tranche sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna na isinailaim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page