Mga hotel at restaurant sa Tagaytay, fully-booked na para sa kapaskuhan

ni Jasmin Joy Evangelista | December 11, 2021

Fully-booked na ang maraming hotel at restaurant sa Tagaytay City ngayong kapaskuhan.
Ito ay matapos dumagsa ang mga turista sa Tagaytay City para mamasyal at mag-enjoy sa malamig na klima.
Dahil dito ay naghahanda na ang mga restaurant owner sa pagdami ng mga turista lalo't ito ang panahon na inaasahan nilang makakabawi sa pagkalugi dahil sa pandemya.
Nagpaalala naman ang tourism office ng local government ng Tagaytay na dapat fully vaccinated lamang ang tatanggapin o kaya naman may RT-PCR test negative result kung 'di pa bakunado. Marami kasi ang nagpa-book sa mga hotel para magdaos ng Christmas party.
"Sa indoor event po, mayroon pa rin tayo na cap na 50 percent at ang outdoor naman po ay 70 percent. 'Yan po ay ating pamantayan bilang ang Tagaytay ay nasa Alert Level 2," sabi ni Jarryd Bello, tourism officer ng lungsod.





Comments